Le Guin: selected passages
Paminsanang pagsasalin / Occasional translations, no. 1
Sa sandaling matutunan mo ang managinip nang lubusang gising,
na ibalanse ang kamalayan hindi sa talim ng pangangatwiran
ngunit sa dobleng katig ng katwiran at panaginip;
sa sandaling matutunan mo ito,
mabibitawan mo lamang ito sa oras na mabitawan mo
kung paano magisip.
Ursula K. Le Guin, Ang Ngalan ng Sanlibutan Ay Gubat
Once you have learned to do your dreaming wide awake,
to balance your sanity not on the razor’s edge of reason
but on the double support, the fine balance, of reason and dream;
once you have learned that,
you cannot unlearn it any more than you can unlearn
to think.
Ursula K. Le Guin, The Word for World is Forest
At ang baylan at ang magdaragat ay hindi nalalayo;
kapwang naghahabi ng kapangyarihan ng langit at laot,
hinihubog ang hangin sa habi at haplos at hawak,
nilalayag papalapit kung ano ang dating malayo.
Ursula K. Le Guin, Ang Pinakamalayong Baybayin
“And mage and sailor are not so far apart;
both work with the powers of sky and sea,
and bend great winds to the uses of their hands,
bringing near what was remote.”
Ursula K. Le Guin, The Farthest Shore